Doble ang matatanggap na pensyon ng mga SSS pensioner ngayong Disyembre.
Ayon kay SSS Vice President for Benefits Administration Division Agnes San Jose, ito ay matapos na magpalabas ng kabuuang P6.34 bilyong pisong halaga ang SSS para sa 13th month pension ng mahigit sa dalawang milyong pensyonadong miyembro nito.
Diretsong papasok sa bank account ng member ang naturang 13th month pension o di kaya ay ipapadala ang tseke sa koreo.
Maaring makuha ang 13th month pension kasabay ng kanilang monthly pension ngayong buwan.
Una nang nagpalabas ang Government Service Insurance System o GSIS ng 2.6 billion Christmas cash gift para sa mga pensionado nito.
By Rianne Briones