Pinalawig ng Social Security System (SSS) ang deadline sa pagsusumite ng Annual Confirmation of Pensioners’ Program (ACOP) hanggang June 30, 2022.
Ayon kay SSS Spokesperson at Vice President for Public Affairs and Special Events Division Fernan Nicolas, ang nasabing hakbang ay kasunod ng utos ni SSS President Michael Regino.
Sinabi ni Regino na layon ng extension na mabigyan ng sapat na panahon ang mga pensioner na makapag-comply sa requirement upang hindi mahinto ang kanilang buwanang pensyon.
Saklaw ng ACOP ang mga pensyonadong naninirahan abroad, total disability, dependent at survivor pensioners.