Masusing pinag-aaralan ngayon ng Social Security System ang tamang timing sa kung kailan ipatutupad ang dagdag kontribusyon sa kanilang mga miyembro.
Ito ay matapos na simulan ngayong araw ang pagbibigay naman ng dagdag na isanlibong (P1,000) pension sa may dalawa punto dalawang (2.2) milyong retirees.
Ayon kay SSS President Amado Valdez, mayroon silang ginagawang actuarial studies hinggil dito.
Pero, ipinahiwatig ni Valdez na posibleng sa Mayo ipataw ang 1.5 percent increase sa SSS contributions.
By Ralph Obina