Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Social Security Act of 2018 o SSS rationalization act.
Layon nitong mapalawak ang kapangyarihan ng SSS kung saan kabilang na sa coverage ang lahat ng land-based at sea-based overseas Filipino workers.
Mabibigyan na rin ng karagdagang kapangyarihan ang SSS commission para magdesisyon kaugnay ng salary credit at buwanang kontribusiyon ng mga miyembro.
Gayundin ang pagpapasiya sa pagtataas sa kontribusyon.
Bukod rito, nilagdaan na rin ni Pangulong Duterte ang new central bank na naglalayong palakasin ang regulatory power ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Oras na maipatupad na ito, inaasahan namang tataas ang capitalization ng BSP sa 200 billion pesos mula sa 50 billion pesos.