Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang upang maging isang ganap na batas Social Security System o SSS Reform Bill.
Bagaman kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na noon pang isang linggo nilagdaan ang naturang batas, hindi na ito nagbigay ng karagdagang detalye.
Sa ilalim ng reform law, i-o-overhaul nito ang dalawampu’t isang (21) taong SSS Charter upang isaayos ang benefit system at penalty condonation ng mga delinquent employer nang walang approval ng pangulo, itataas ang kontribusyon ng mga SSS members ng 1 percent kada taon simula ngayong taon hanggang umabot sa 15 percent upang mapahaba ang lifespan ng pension fund.
Layunin din nito na isailalim sa mandatory coverage ang mga Overseas Filipino Worker (OFWs) upang ma-protektahan sila sa oras ng pangangailangan.
—-