Tiniyak ng Social Security System (SSS) sa publiko na hindi naapektuhan ang lahat ng mga record o datos ng mga miyembro nito sa naganap na sunog sa kanilang opisina sa Quezon City kaninang umaga.
Ayon sa SSS, hindi rin maaantala ang paghahatid nila ng serbisyo sa lahat ng sangay gayundin sa kanilang online o website na my.SSS, SSS mobile app, at uSSSap Tayo Portals.
Nabatid na sumiklab ang apoy sa UPS room ng naturang gusali ala-1:43 ng madaling araw at naapula alas-5:11 ng umaga.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa nangyaring sunog.
Samantala, pinasalamatan ng SSS ang Bureau of Fire Protection- Quezon City Station 4 para sa agarang pagresponde.