Umaasa ang Social Security System o SSS na maipatutupad na nila sa Abril ang planong pagtataas ng kontribusyon sa kanilang mga miyembro.
Ayon kay SSS Chairman Amado Valdez, pag-apruba na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang hinihintay.
Sakaling pumayag aniya si Pangulong Duterte ay tataas ng tatlong porsyento ang ‘premium contribution’ ng mga miyembro ng SSS.
Giit ni Valdez, kung hindi ito maipatupad sa Abril ay target pa rin nila itong maipatupad ngayong taon.
Paliwanag ni Valdez, kailangang itaas ang kontribusyon para mapanatiling buhay ang pondo ng ahensya.
—-