Nadagdagan pa ng dalawa ang accredited health facilities sa Pilipinas na maaaring magsagawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing.
Ipinabatid ng Department of Health (DOH) na umabot na sa full scale implementation ang St. Lukes Medical Center-Quezon City, at Bicol Public Health Laboratory.
Una nang itinalaga ng DOH bilang health facilities ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM), Baguio General Hospital and Medical Center, San Lazaro Hospital, Vicente Sotto Memorial Medical Center, Southern Philippines Medical Center, UP National Institutes of Health, Lung Center of the Philippines, at Western Visayas Medical Center.
Sa pinakahuling datos ng DOH, nakapagsagawa na ng halos 23,000 COVID-19 tests sa Pilipinas.