Inalmahan ng St. Lukes Medical Center Global City Employees Union ang panukala ng DOH kaugnay sa singular allowance na ang halaga ay ibabase sa risk exposure ng health workers sa COVID-19 patients.
Sa halip, binigyang-diin ni Benjie Foscalbo, secretary ng unyon na sinusuportahan nila ang tatlong panukala sa senado na humihiling ng universal o iisang benepisyo para sa healthcare workers na nagsisilbi bilang COVID-19 pandemic frontliners.
Nakasaad sa mga nasabing senate bills ang mas maraming inclusive benefits system para sa public at private healthcare workers na direkta o hindi direktang na-expose sa mga pasyente ng COVID-19, pagbibigay sa kanila ng buwanang risk allowances, aktuwal na hazard duty pay para sa lahat ng health workers na nagsisilbing frontliners, accommodations, transportation at meal gayundin ng life insurance.
Ipinabatid ni Foscalbo na hindi makatuwiran ang nasabing panukala ng DOH na pag-kategorya sa healthcare workers bilang low risk, medium risk at high risk.