Hindi pa rin magagamit ang St. Mary’s Cathedral sa Marawi City ngayong Semana Santa kahit halos isang taon mula nang mapalaya ang lungsod sa mga terorista.
Ito’y ayon kay Marawi Bishop Edwin Dela Peña ay dahil sa hindi pa rin ganap na naisasaayos ang katedral mula sa mga pinsalang tinamo nito sa ilang buwang bakbakan.
Gayunman, sinabi ni Bishop Dela Peña na tuloy pa rin ang mga aktibidad ng Prelature of Marawi ngayong Holy Week na gagawin sa iba’t ibang mga parokya sa lungsod.
Kasunod nito, umapela ang obispo sa lahat ng mga Pilipino na tulungan silang muling makabangon upang maipagawa muli ang kanilang nasirang simbahan.
—-