Idineklara ang state of calamity sa bayan ng Sta. Fe sa Leyte dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue.
Ayon sa municipal health office ng Sta. Fe, mula lamang May 15 hanggang July 8 ay pumapalo na sa 101 ang dengue cases na naitatala sa kanilang bayan.
Patuloy ang pagtaas ng kaso ng ng dengue sa Eastern Visayas kaya’t naglabas ang DOH ng dengue alert sa rehiyon.
Batay sa datos ng DOH, nasa 4,550 ang kaso ng dengue sa Eastern Visayas kung saan 19 na ang nasawi.