Inihanda na ng ilang ospital ang mga gamit para sa mga mapuputukan sa pagsalubong ng bagong taon.
Sa Jose Reyes Memorial Medical Center, may nakalaan silang lugar para sa fireworks related injury.
Ipinakita rin ng JRMMC ang ilan sa kanilang kagamitan para sa mga mapuputukan, kabilang na ang hand recractor upang mas madali nilang maoperahan ang kamay ng pasenye.
Sa ngayon, apat na pasyenteng bahagyang nasugatan sa paputok ang dinala sa nasabing ospital, at pinauwi na rin ang mga ito nang magamot.
May isa naman nang batang isinugod sa Quirino Memorial Medical Center, matapos malapnos ang balat dahil sa lusis.
Agad din itong pinauwi nang magamot sa nabanggit na ospital.
Mayroon din ang QMMC na firecracker related injury ward upang magamot ang mga pasyenteng nasabugan ng paputok. – sa panulat ni Charles Laureta