Sinimulan na ng Commission on Elections ang review period para busisiin ng stakeholders ang source code ng Automated Election System o AES na gagamitin para sa eleksyon sa Mayo 2022.
Ayon kay COMELEC Chairman Sheriff Abas, ginagawa ang local source code review para masiguro at makita kung gaano ka-ligtas ang automated election system, na iminamandato rin sa ilalim ng Republic Act 9363.
Dagdag pa niya, ang source code na ipinapabusisi sa mga stakeholders ay para maiwasan ang nangyaring 7-hour glitch noong Eleksyon 2019 na kung saan nagkaroon ng pagbara sa sistema ng voter counting machines.
Samantala, labing limang grupo ang nag-abiso sa COMELEC na lalahok sa local source code review, kasama rito ang ilang political parties, civil society organizations, at eleksyon watchgroups na PPRCV at NAMFREL.—sa panulat ni Airiam Sancho