Inihayag ni incoming senate President Senator Miguel Zubiri na gusto sana ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magbigay ng mahabang speech na aabot nang halos tatlo o apat na oras sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni senator Zubiri na pinayuhan na ito ng kaniyang mga gabinete na huwag masyadong habaan dahil baka mainip ang taumbayan.
Aniya, na-e-excite o ikinagagalak kasi ng Pangulo na mailatag ang buong detalye ng kaniyang plano para sa bansa.
Dagdag pa ng senador na gusto rin aniya ng Punong Ehekutibo na magkaroon ng stakeholders SONA sa Martes.