Tinapos na ni Richard Gasquet ang kampanya sa Wimbledon ni French Open Champion Stan Wawrinka.
Ito ay matapos talunin ni Gasquet si Wawrinka sa Wimbledon Semifinals sa iskor na 6-4…4-6… 3-6… 6-4…at 11-9.
Bagamat pukpukan ang laban ng dalawa, desidido si Gasquet na talunin sa ikalawang pagkakataon si Wawrinka.
Naging susi naman sa panalo ni Gasket ang backhand nito na nabigong makontra ni Wawrinka.
By Ralph Obina