Hinimok ng isang mambabatas ang mga pamunuan ng iba’t-ibang ospital at health center na maghanda ang mga ito ng standard COVID-19 kit para sa mga pasyenteng hindi kaagad mabibigyang ng atensyon dahil sa okupado nang mga pasilidad.
Ayon kay ACT-CIS Representative Niña Taduran, ito’y para hindi na lumala pa ang kondisyon ng COVID-19 patient kung ito’y pauuwin.
Paliwanag ni Taduran, maglalaman ng standard na gamot ang naturang kit para na kakailanganin ng isang mild to moderate case ng COVID-19.
Bukod pa rito, nanawagan din si Taduran sa lahat ng barangay na tiyaking magkaroon ng standby na mga oxygen tanks at refill para may magamit ang mga pasyente habang bumabyahe para maghanap ng iba pang pagamutan, lalo na aniya sa mga nasa kritikal nang kondisyon.