Nilagdaan na ng mga opisyal ng Pilipinas at Kuwait ang isang kasunduan hinggil sa standard employment contract ng mga Pilipinong household workers sa Kuwait.
Kasunod ito ng dalawang araw na joint committee meeting ng technical working group ng Pilipinas at Kuwait.
Layunin ng binuong standard contract ang mabigyan ng mas maigting na proteksyon ang mga Filipino household workers sa Kuwait.
Nakapaloob sa kontrata ang mga probisyon tulad ng panghahawakan ng mga Filipino house hold workers ang kanilang mga pasaporte at mobile phone, pagtukoy sa oras ng kanilang trabaho at pagtulog at pagkakaroon ng isang araw na day off.
Dumating delegasyon ng Pilipinas sa Kuwait noong Sabado sa pangunguna ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang delegasyon ng Pilipinas kasama sina Labor Undersecreatry Claro Arellano, POEA Administrator Bernard Olalia at OWWA Administrator Hans Leo Cacdac. — ulat mula kay Bert Mozo (Patrol 3)