Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang house bill 10272 na layuning gawing standard ang retirement benefits, salary at privileges ng mga hukom at iba pang opisyal ng hudikatura.
Layunin din ng panukala na kilalanin ang kahalagahan ng papel ng iba pang Judiciary Officials.
Sa ilalim ng bill, entitled ang Judiciary Officials na may judicial rank sa lahat ng retirement benefits tulad ng tinatanggap ng mga hukom alinsunod sa Republic Act 910 na inamyendahan bilang R.A. 9946.
Kabilang sa house bill ang pagkakaloob ng benepisyo sa mga nagtatrabaho sa hudikatura na nagretiro na bago ang effectivity ng panukalang batas, kasama ang mga Judiciary Official na ginawaran ng judicial rank na nagretiro sa edad na 65.
Binura naman sa panukala ang probisyon na nag-di-disqualify sa mga retiree na tumanggap ng benepisyo sa oras na umupo bilang halal na opisyal.
Nakatakda namang isumite ng mababang kapulungan ng kongreso ang nabanggit na bill sa senado. —sa panulat ni Drew Nacino