Maglalaan ng 750 Milyong Pisong pondo ang Kongreso para sa “standby emergency fund” ng mga kooperatiba ng kuryente sa bansa.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, principal sponsor ng Electric Cooperatives Energy and Resiliency Fund Act, ibibigay ang nasabing pondo para sa mga “electric cooperatives” na masasalanta o mapipinsala ang pasilidad tuwing kalamidad.
Huhugutin aniya ang nasabing halaga sa 7 Bilyong Pisong pondo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Dagdag pa ni Gatchalian, makatutulong ang “standby fund” upang hindi na kailangang ipasa ng mga kooperatiba sa kanilang mga konsyumer ang ginastos nila sa pag – sasaayos ng mga nasira nilang pasilidad.