May nakalaan ng standby fund na limang bilyong piso (P5-B) para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ang pondo ay mula sa contingent fund ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang departamento tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd) at iba pa.
Idinagdag pa ni Diokno na mayroon na ring nag-alok ng tulong mula sa ibang bansa.
Aniya maglalaan ang pamahalaan sa 2018 ng sampung bilyong pisong (P10-B) pondo sa Bangon Marawi rehabilitation.
Ngunit paliwanag ni Diokno, hindi magiging madali ang rehabilitasyon sa Marawi City dahil kailangang dumaan sa proseso lahat ng aksyon ng gobyerno.
Kabilang na rito ang pagpa – plano, budgeting, implementasyon at pag-account sa ginamit na pondo ng taong bayan.
- Arianne Palma | Story from Aileen Taliping