Halos P600-milyon pa ang standby at stockpile funds ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ipinabatid ito ni DSWD Secretary Rolando Bautista kaya’t mayroon sila aniyang sapat na resources para tulungan ang local government units na naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sinabi ni Bautista na P517.9-milyon ang standby fund ng DSWD Central Office at tig-P3-milyon ang standby fund para sa DSWD-NCR, Central Luzon at CALABARZON.
Inihayag ni Bautista na nasa P54.4-milyong halaga ng food packs ang handa nang maipahagi.