Marami pang magbabago sa standing ng mga kandidato habang papalapit ang eleksyon.
Ayon kay Junie Laylo, founder ng Laylo Research Strategist, 39 sa mga botante ang hindi pa sigurado sa kanilang napiling kandidato.
Batay anya ito sa pinakahuling survey na isinagawa nila para sa pahayagang The Standard kung saan nanguna si Senador Grace Poe, pumangalawa si Vice President Jejomar Binay, pangatlo si Secretary Mar Roxas, pang apat si Mayor Rodrigo Duterte at pang lima si Senador Miriam Defensor Santiago.
Sinabi ni Laylo na ang mga pinili lamang nilang respondents sa isinagawa nilang survey ay yung mga rehistradong botante na may biometrics at yung mga siguradong boboto sa 2016 elections.
Hindi anya ito katulad ng ibang mga surveys na isinasama sa survey, bastat umabot na sa 18 anyos.
Monthly
Posibleng kada buwan ay may lumabas na survey sa standing ng mga kandidato sa eleksyon.
Ayon sa mga political analysts, masyadong maaga ngayon ang kampanya kaya’t siguradong mapapadalas ang paglabas ng surveys na barometro ng mga kandidato kung saan ang lugar nila sa eleksyon.
Samantala, ayon sa Laylo Research Strategist, isang survey firm, normal lamang ang pagkakaiba iba ng resulta ng mga surveys dahil sa magkakaibang methodology na ginagamit ng mga survey firms.
Batay sa paliwanag ng Social Weather Stations, nakadepende ang kanilang survey sa interes o kung ano ang gustong malaman ng nagkumisyon mula sa mga botante.
By Len Aguirre