Hindi pinapayagan ang standing passengers sa mga bus at jeep sa ilalim ng Alert level 1 kahit pinapahintulutan na ang full seating capacity sa mga pampublikong transpostasyon.
Ayon kay MMDA Officer-In-Charge at General Manager Romando Artes, nakasaad sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) na tanging mga nakaupong pasahero ang pinapayagan.
Sinabi pa ni Artes na sa ngayon ay maayos na naipatutupad ang full capacity sa mga public transport, at disiplinado aniya ang mga pasahero at nagse-self-regulate.
Sa ilalim ng Alert level 1, pinapayagan na ang intrazonal at interzonal movement anuman ang edad, may comorbidity man o wala.