Desidido ang Star Hotshots na masungkit ang panalo sa do or die game ng semifinals mamayang gabi kontra Ginebra Gin Kings.
Aminado ang Hotshots na hawak ngayon ng Ginebra ang momentum matapos silang pataubin noong martes.
Ayon kay Marc Pingris, matinding depensa ang inilatag ng Gin Kings noong Martes na naging susi sa pagkapanalo ng naturang koponan.
Sa kabila nito, binigyang diin ni Pingris na ibibigay nila mamayang gabi ang lahat lahat para sila ang makaharap sa finals ng naghihintay na lamang na San Miguel Beermen.
By Ralph Obina
Photo Credit: PBA Media Bureau