Muling nalusutan ng Star Hotshots ang Barangay Ginebra San Miguel upang ipako ang 2-0 lead sa kanilang best of 7 series sa semi-finals ng 2016-2017 PBA All Filipino Cup.
Umabante sa serye ang hotshots at tinalo ang Ginebra sa score na 91-89 sa kanilang paghaharap sa MOA Arena, Pasay City.
Nagpakawala ng 17 points si Paul Lee kabilang ang mga clutch shots sa huling bahagi ng game para sa Star.
Muling maghaharap ang dalawang team para sa game 3 sa MOA Arena pa rin.
Samantala, magbabakbakan naman ang defending champion San Miguel Beermen at Talk and Text Tropang Texters sa game 3 ng kanilang serye, sa Araneta Coliseum.
By: Drew Nacino