Pansamantala munang magsasara ang lahat ng stores ng coffee company na Starbucks sa buong bansa.
Ito ay gitna pa rin ng paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa anunsiyo ng Starbucks Philippines sa kanilang Facebook page, isasara na rin maging ang kanilang mga stores sa Visayas at Mindanao batay na rin sa guidelines ng mga lokal na otoridad.
Nananatili rin anila sa kanilang prayoridad ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga empleyado at customers.
Magugunitang una nang nagsuspinde ng operasyon ang Starbucks sa kanilang mga stores sa Luzon makaraang ideklara ang Luzon-wide community quarantine, epektibo noong Marso 17.