Walang pangangailangan para isailalim sa state of calamity ang ilang lugar sa bansa dahil sa tigdas.
Ito ang iginiit ni Philippine Red Cross Chairman at Senador Richard Gordon sa kabila ng pagdedeklara ng DOH o Department of Health ng measles outbreak sa ilang lugar sa bansa.
Ayon kay Gordon, walang batayan para magdeklara ng state of calamity dahil hindi naman aniya epidemya ang nangyari sa bansa.
Sinabi ni Gordon, bagama’t marami ang nagkasait kaya ng pamahalaan na tugunan ang kasalukuyang problema sa tigdas.
Walang basis iyan, kaya naman [tugunan ng gobyerno] at tska ito’y hindi naman epidemic, this is a break out. Pahayag ni Gordon
Kasabay nito, muling nanawagan si Gordon sa mga lokal na pamahalaan na maging pro-active para mapigilan ang pagkalat pa ng tigdas o anumang sakit sa kani-kanilang nasasakupan.
Kaya nananawagan ako sa mga LGU officials, kaya the local mayors, the local health officers, they must be very proactive in preventing any disease. Libre naman ang bakuna. Paliwanag ni Gordon
As of February 17, 1pm, we have vaccinated 1,063 children in Baseco, Manila. We have roving teams that conduct house-to-house vaccination, as well as station-based teams that perform vaccination at the Corazon Aquino Health Center in Baseco, Manila. pic.twitter.com/MkCzp2xvSs
— Philippine Red Cross (@philredcross) February 17, 2019