Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Albay bunsod ng pananalasa ng bagyong Nona.
Dahil dito, maaari nang gamitin ng pamahalaang panlalawigan ang kanilang quick response fund para sa agarang ayuda sa mga nasalanta nilang kababayan.
Bukod dito, maaari na ring makakuha ng calamity loan ang kanilang nasasakupan ng walang ipapataw na interes.
Awtomatiko na ring epektibo ang pice freeze sa nasabing lalawigan upang maiwasan ang pananamantala sa panig ng mga negosyante ngayong panahon ng kalamidad.
By Jaymark Dagala