Isinailalim na rin sa state of calamity ang lalawigan ng Misamis Oriental bunsod ng matinding epekto ng flashfloods dulot ng walang tigil na ulan.
Sa pagtaya ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa pitong libong (7,000) katao na ang nagsilikas sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan simula pa noong Lunes.
Umakyat naman sa anim (6) ang bilang ng nasawi kabilang ang isang tatlong taong gulang na bata sa Gingoog at Cagayan de Oro cities.
Ang malakas na pag-ulang dulot ng isang Low Pressure Area ang nagresulta sa pag-apaw ng mga ilog at estero.
By Drew Nacino