Idineklara na ang State of Calamity sa bayan ng San Juaquin sa Iloilo, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.
Ayon sa Municipal Administrator ng San Joaquin, pumalo na sa 105 ang nagkaroon ng Dengue sa lugar, 400% na mas mataas sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Maliban sa San Juaquin, nakikita rin ng Iloilo LGU ang pagtaas ng kaso ng Dengue sa bayan ng Guimbal at Tubungan.
Sa kabuuan, pumalo na sa 460 ang total dengue cases sa Iloilo.
Karamihan sa tinatamaan ng sakit ay mga batang edad sampu pababa.
Patuloy namang pinapaigting ng Iloilo LGU ang ipinatupad na preventive measures upang mapigilan ang dengue outbreak.