Isinailalim na rin sa state of calamity ang lalawigan ng Southern Leyte matapos hagupitin ng bagyong Odette.
Ayon kay Southern Leyte Governor Damian Mercado, labingwalong bayan ang nasalanta ng bagyo, noong isang linggo.
Inatasan na rin anya ang Local Government Agencies na pangunahan ang rescue, relief at rehabilitation efforts sa lalawigan.
Bukod sa Southern Leyte, una na ring isinailalim sa state of calamity ang mga lalawigan ng Cebu, kabilang ang Cebu City; Bohol, Guimaras at Butuan City.