Nagdeklara na ng State of Calamity sa bayan ng San Miguel at Oton sa Iloilo dahil sa African Swine Fever.
Ito’y matapos maapektuhan ng ASF ang maraming baboy sa nasabing mga lugar.
Sinabi ni Iloilo governor Arthur Defensor Jr., na nagpapatupad na sila ng mga hakbang kontra ASF gaya ng monitoring, surveillance at test and destroy.
Tiniyak naman ng gobernador ang tulong sa mga naapektuhan ng ASF katuwang ang Department of Social Welfare and Development.