Idineklara ang state of calamity sa Bohol dahil sa kawalan ng suplay ng kuryente kasunod ng pagtama ng 6.5 na lindol sa Leyte.
Ito ang nakapagkasunduan ng provincial board dahil sa matinding epekto ng kawalan ng suplay ng kuryente sa ekonomiya at pamumuhay sa probinsya.
Kaugnay nito, umapela ang probinsya kay Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang Bohol sa ibibigay na subsidiya sa power requirement mula sa generation to transmission to distribution upang hindi mabigatan ang mga consumer.
Una nang inihayag ng Bohol Energy Development Authority na ginagawa nila ang lahat para maibalik sa normal na suplay ng kuryente sa probinsya.
By Rianne Briones
State of calamity idineklara sa Bohol was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882