Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Bohol.
Kasunod na rin ito nang nilagdaang executive order ni Bohol Governor Arthur Yap matapos ang matinding pinsala ng bagyong odette sa kanilang probinsya.
Sinabi ni Yap na maraming pamilya sa kanilang lalawigan ang nawalan ng tirahan dahil sa hagupit ng bagyong Odette na sumira rin sa maraming gusali, establishments, government facilities at infrastructure, communication facilities at mga linya ng kuryente.
Una nang inihalintulad ni Yap sa bagyong Yolanda ang naranasan ng Bohol sa bagyong Odette.