Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Bulan sa Sorsogon bunsod ng naging epekto ng pananalasa ng bagyong Usman.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Bulan, umabot na sa 852 pamilya o katumbas ng 2,285 indibiduwal ang inilikas.
Kasunod ito ng naranasang pagbaha at pagguho ng lupa sa bulan dahil sa bagyong Usman.
May naitala ring dalawang nasawi at tatlong sugatan sa magkakahiwalay na landslide sa mga barangay Cadandanan, Calpi, Palale, Quirino at San Juan gayundin sa mga sitio ng Calomagon, Liman, R-Gerona at Taromata.
Kinilala naman ang isa sa dalawang nasawi na si Jaime Moriko, sitenta’y uno anyos na nasawi dahil sa hyportermia.