Idineklara na rin ang state of calamity sa Iloilo City matapos ang pananalasa ng bagyong Odette sa lalawigan.
Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Trenias, mas mabibigyan ng pinansyal na tulong ng national government at lokal na pamahalaan ang mga residente ng lungsod makaraang ideklara ito sa lungsod.
Sinabi ni Trenias, makatatanggap ng 10,000 piso ang mga totally damaged ang mga kabahayan habang 4,300 piso naman ang mga partially damage.
Samantala, sa ulat ng NDRRMC, isa lamang ang naitalang nasawi sa Iloilo City matapos hagupitin ng bagyo ang lungsod.