Isinailalim sa State of Calamity ang barangay Colongulo sa Surallah, South Cotabato dahil sa cholera outbreak.
Ayon sa awtoridad, isang 9 years old na bata ang nasawi habang sampung residente ang nakaranas ng diarrhea, kung saan apat ang positibo sa cholera.
Sinabi naman ng Committee on Health ng lokal na pamahalaan na may nadiskubreng coliform bacteria sa pinagkukunan ng inuming tubig ng mga residente.
Mayroon ding problema sa mga palikuran ang ilang sitio sa nasabing barangay.