Idineklara na ang State Calamity sa buong probinsya ng Quezon matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng.
Alinsunod ito sa rekomendasyon ni governor Helen Tan at upang magamit ang quick release funds bilang tugon sa pangangailan ng mga residenteng napektuhan ng bagyo.
Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, 5 na ang nasawi habang nasa 23,000 pamilya na ang apektado sa lalawigan.
Bukod sa Quezon province, isinailalim na rin sa state of calamity ang Catanduanes; ilangbayan sa Antique; San Pablo at San Pedro cities sa Laguna; Zamboanga City at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Samantala, inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines, wala pa ring kuryente sa ilang lugar. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla