Isinailalim na rin sa state of calamity ang lalawigan ng Surigao Del Sur bunsod ng matinding pinsalang iniwan ng bagyong Odette.
Sinabi ni Surigao Del Sur Governor Alexander Pimentel na nagpatawag siya ng special session sa provincial government upang talakayin ang pagdedeklara ng state of calamity.
Aabot sa 45,000 mga pamilya ang naapektuhan ng bagyo kung saan nasa 1,090 sa mga ito ang nananatili sa evacuation centers.
Samantala, isang indibidwal naman ang napaulat na sugatan dahil sa pananalasa ng bagyo.