Isinailalim ang lungsod ng Tagum, Davao Del Norte sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha.
Nagtuloy-tuloy ang pinsala sa lugar bunsod sa malakas na pag-ulan.
Kung saan, binaha ang anim na barangay sa Tagum City: Pagsabangan, Mankilam, San Miguel, Canocotan, Bincungan, at Busaon.
Ayon sa datos ng Tagum City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), aabot sa 6,643 pamilya ang apektado ng baha.
Samantala, humupa rin ang baha at nakabalik din sa kanilang mga tirahan ang mga apektadong residente.
Patuloy naman ang relief operations ng lokal na pamahalaan ng nasabing siyudad. —sa panulat ni Kim Gomez