Isinailalim na sa state of calamity ang Zamboanga City dahil sa epekto ng El Niño.
Batay ito sa naging rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ng Zamboanga.
Ayon kay CDRRMC Chief Elmier Apolinario, aabot na sa P10.8 milyong piso ang pinsalang idinulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura.
Sa ilalim ng deklarasyon ng state of calamity, mapapahintulutan na ang city government ng Zamboanga na magamit ang kanilang calamity fund para ibsan ang mapaminsalang epekto ng El Niño.
By Ralph Obina