Inaasahan ang deklarasyon ng state of calamity sa bayan ng Guagua sa Pampanga dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Guagua Mayor Dante Torres, nasa 437 na ang active cases ng COVID-19 sa kanilang bayan at 109 na ang nasawi.
Sinabi ni Torres na dalawang barangay din ang naka lockdown at halos punuan na ang mga ospital at quarantine facilities.
Dahil sa mabilis na hawahan ng COVID-19, pinasasalang na rin sa testing ng lokal na pamahalaan hindi lamang ang mga direktang nakasalamuha ng mga COVID-19 positive kundi maging ang mga secondary contact.