Nagdeklara na ng State of Calamity ang bayan ng Tupi sa South Cotabato, kaugnay sa pagtaas ng bilang ng kaso ng Dengue.
Ayon kay Tupi Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Emil Sumagaysay, nakapagtala na ang bayan ng 297 na kumpirmadong kaso, 48 porsyentong mas mataas sa kanilang tala noong nakaraang taon.
Mayroon na din aniyang 3 nasawi mula sa sakit.
Dahil sa pagdedeklara ng State of Calamity, maaari nang gamitin Ng tupi ang nalalabing 1.6 Milyong Piso sa kanilang Calamity Fund.
By: Katrina Valle