Ikinakasa na ng Iloilo Provincial Government ang deklarasyon ng state of calamity dahil sa african swine fever outbreak.
Ayon kay Iloilo Governor Arthur Defensor,Jr. idedeklara ang state of calamity sa oras na makuha na nila ang eksaktong bilang ng mga hog raiser na apektado at tatanggap ng tulong ng gobyerno.
I-ko-convene rin ni Defensor ang local price coordinating council ngayong araw upang talakayin at kumonsulta sa magiging presyo ng karneng baboy sa lalawigan.
Target naman ng provincial veterinary office na mag-depopulate ng nasa tatlundaang baboy sa bayan ng san miguel kung saan naitala ang pinaka-bagong mga kaso ng ASF.
Umabot na sa mahigit animnaraan mula sa tinatayang isanlibong baboy ang dinepopulate ng p.v.o. sa bayan pa lamang ng Oton.