Nagdeklara na ng state of calamity ang lokal na pamahalaan ng Bohol dahil sa kakulungan sa suplay ng tubig.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa halos P200M ang pinsala sa Agrikultura dahil sa matinding init ng araw at kakulangan ng tubig.
Halos wala na umanong nakukuhang tubig sa mga dam na kanilang pinagkukunan para sa patubig sa mga palayan at iba pang taniman sa Bohol.
Kasunod ng pagdedeklara ng state of calamity, inaasahang magagamit na ng lokal na pamahalaan ang quick response fund na aabot sa P200M para makatulong sa mga naapektuhan ng kakulangan ng suplay ng tubig.