Nagdeklara na ng state of calamity ang lalawigan ng Bulacan bunsod ng mataas na naitatalang kaso ng dengue.
Batay sa tala ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit, umabot na sa 11 ang nasawi sa nakalipas na 5 linggo.
Mula naman noong Enero hanggang Setyembre, 4771 ang naitalang kaso ng mga nagkakaroon ng dengue sa buong lalawigan.
Dahil dito, aabot sa P39 na milyong piso ang inirekomendang ilabas ng provincial board bilang calamity fund.
Kasunod nito, naglagay na ng express lane ang provincial health center para sa mga biktima ng dengue sa mga pampublikong ospital.
By Jaymark Dagala