Dapat nang agarang ideklara o isailalim ng gobyerno sa state of calamity ang buong Luzon.
Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, hindi na dapat magpatumpik-tumpik pa ang gobyerno sa panawagan ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na isailalim sa state of calamity ang buong Luzon matapos na hagupitin ng sunud-sunod na malakas na bagyo at matinding pagbabaha.
Iginiit naman ni Senador Sonny Angara na dapat na ikunsidera at masusing pag-aralan ng pamahalaan ang suhestyun ng NDRRMC.
Ito ay dahil sa mayroon itong epekto o hatid na benepisyo sa buhay at kabuhayan ng milyon nating mga kababayan sa Luzon na matinding pininsala ng sunud-sunod na kalamidad na tumama sa bansa.
Makakatanggap ang mga local government units (LGUs) ng dagdag na calamity fund mula sa gobyerno kapag nasa state of calamity. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)