Kasalukuyang ng nasa ilalim ng state of calamity ang buong bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Kaugnay nito, sinabi ni Senator Nancy Binay na baka hindi na kailangan ng panibagong deklarasyon para sa pagsasailalim sa state of calamity sa buong luzon matapos ang sunod sunod na paghagupit ng malalakas na bagyo at pagbabaha .
Gayunman, bilang estriktong pagsunod sa national disaster reduction management law at sa mga batas at regulasyon sa paggamit ng public funds at auditing regulation sinabi ni senator binay na maaaring amiendahan ang umiiral na proklamasyon ukol sa state of calamity para bukod sa COVID-19 ay maisamang dahilan ang sunud sunod na bagyo partikular ang Bagyong Ulysses.
Kapag nasa ilalim ng state of calamity ang isang lugar, nagpapatupad ng price ceiling sa mga pangunahing bilihin. May monitoring, prevention at control laban sa overpricing, hoarding at profiteering ang Local Price Coordination Council pagdating sa pangunahing bilihin, medisina at petrolyo.
Gayundin may programming at reprogramming ng pondo para sa pagrepair at pag upgrade sa public infrastructures at facilities at pagpapautang ng walang interes ng mga gov’t financing o lending institutions sa mga pina-apektadong lugar.
Una rito, hiniling ng NDRRMC sa gobyerno na isa ilalim sa state of calamity ang buong Luzon matapos ang sunod sunod na paghagupit ng malakas na bagyo na nagdulot pa ng malawakang pagbabaha. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)