Idineklara ang state of calamity sa British Columbia sa Canada at inaasahang tataas pa ang death toll mula sa malawakang pagbaha at landslide.
Sinabi ni Canadian Public Safety Minister Marco Mendicino na ang isang nasawi ay dahil sa matinding pag-ulan at mudslide na naranasan sa isolated towns sa naturang rehiyon.
Habang tatlong katao naman ang nawawala pa rin habang nasa 1,800 katao naman ang naapektuhan sa parte ng Pacific Coast Province.
Bunsod nito, pansamantalang magpapatupad ng travel restriction sa apektadong lugar at nangako ng pamamahagi ng essential goods at medical at emergency services.
Samantala, libu-libong Canadian Armed Forces na rin ang idineploy para tumulong sa paglikas ng mga na-stranded na residente.