INIHAYAG ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson na magdedeklara ito ng State of Calamity sa buong probinsya.
Ito’y kasunod ng pananalasa ng bagyong Odette na kumitil sa buhay ng walong indibidwal at nakaapekto sa halos isang daang libong mamamayan sa lalawigan.
Sinabi ni Lacson na idedeklara ang state of calamity upang mas mapabilis ang paglalabas ng Quick Response Fund para sa mga nasalantang lugar.